Patay ang dalawampu’t dalawang (22) bata at anim (6) na guro matapos ang sunud-sunod na airstrikes sa Idlib, isang lalawigan sa Syria na kontrolado ng mga rebelde.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, hindi pa tukoy kung warplanes ng Russia o ng Syria ang anim na beses nagpakawala ng bomba sa Hass Village na kabilang sa mga tinamaan ang school complex.
Isang larawang kumakalat sa social media ang nagpapakita sa isang putol na braso ng isang bata habang may hawak pang tali ng bag.
Ayon sa UNICEF, isang ahensyang pambata ng United Nations (UN), nakakagalit ang insidente at sakaling mapatunayan na sinadyang patamaan ang paaralan, dapat lamang na ituring itong isang war crime.
By Len Aguirre
Photo Credit: Syria Civil Defence