Aabot na sa dalawampu’t dalawang convict sa Iraq ang binitay dahil sa mga kasong terorismo at iba pang krimen.
Ayon kay Iraqi justice minister Haidar Al-Zamili, magpapatuloy ang ganitong uri ng kanilang pagpaparusa laban sa mga terorista.
Ito ay sa kabila ng pag-alma ng ilang sektor gaya ng human rights group dahil sa mahinang justice system sa Iraq na posibleng maging dahilan upang maparusahan ang mga hindi naman tunay na guilty sa mga krimen.
Noong 2015 aabot sa dalawampu’t anim katao ang binitay sa Iraq dahil sa terorismo at paggawa ng mga krimen.
By: Ralph Obina