Isa-isang pinagbabaril ng mga gunmen ang mga mag-aaral sa Afghanistan na sumisilip sa bintana ng kanilang silid-aralan.
Ito ang salaysay ng isang estudyanteng survivor sa naganap na pag-atake ng mga armadong grupo sa Kabul University na kumitil sa buhay ng 22 mag-aaral at higit 25 mga sugatan.
Ayon sa survivor, naghihintay ang lahat ng mga mag-aaral sa pagdating ng kani-kanilang mga propesor, nang makarinig sila ng kabi-kabilang putok ng baril.
Sa puntong iyon, kanya-kanya nang nagtago ang mga mag-aaral sa takot na makita ng mga gunmen.
Nauna nang inako ng grupong Jihadist Islamic group ang pag-atake, pero sinabi ng Afghan government na mga taliban ang responsable rito.
Kasunod nito, nag-deklara ang Afghan government ng ‘national day of mourning’, habang nag-kilos protesta naman ang mga mag-aaral ng Kabul University at ipinanawagan ang ‘stop killing us’.