Arestado ang 22 hinihinalang human traffickers sa Thailand kasunod ng pinaigting na kampanya ng otoridad laban dito.
Ayon kay Major General Paween Pongsirin, ito ay matapos magpalabas ng 26 na bagong warrant of arrests laban sa mga suspek na inaakusahan ng human trafficking at money laundering.
Sinabi ni Pongsirin na walang sangkot na opisyal ng pamahalaan sa panibagong batch ng warrant of arrests.
Nitong Hulyo ay inanunsyo ng Thai prosecutors na kanila nang kinasuhan ang 72 katao na sangkot sa human smuggling at kabilang dito si Lt. Gen. Manas Kongpan, ang tinaguriang kingpin ng human trafficking.
By Katrina Valle