Arestado ang 22 indibidwal dahil sa “tupada” o iligal na sabong sa Tondo, Maynila.
Ayon sa mga otoridad, naaktuhang nagsasagawa ng iligal na sabong sa Gate 7, Parola Compound ng nabanggit na lungsod ang mga suspek na nakuhanan ng fighting cocks, gaffs o “tari,” at bet money na nagkakahalaga ng P19,000.
Dinala na ang mga suspek sa Detective Special Operations Unit ng Manila Police District (MPD) na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law.