Inoobserbahan na ng Department of Health (DOH) ang 22 indibidwal mula sa China na nagpakita ng sintomas ng pagkakasakit.
Ito ay sa kabila ng banta ng novel coronavirus 2019 mula sa China.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, galing sa China ang mga ito at pagdating sa Pilipinas ay nakitang mayroong ubo at lagnat.
Paglilinaw ni Domingo, lahat naman ng dumadating sa bansa na may sakit ay kanilang tinitignan.
Sa ngayon ay isinasailalim sa iba’t ibang labortary tests ang mga ito.
Samantala, wala pa ring kumpirmadong kaso ng Ncov sa Pilipinas.