Kinumpirma ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU na 22 menor de edad sa lungsod ang tinamaan ng COVID-19 .
Ayon kay CESU Head Miko Llorca, 11 sa mga kabataan na nagpositibo sa virus ay nananatili sa isolation facilities upang gamutin at i-monitor.
Habang ang 11 mga batang pasyente naman ay naka-home quarantine at regular na binibisita ng tauhan ng City Health Office o CHO upang alamin ang kanilang kondisyon.
Sa nasabing bilang, 3 sa mga ito ang may kaso ng delta variant at gumaling na.
Nanawagan naman si Llorca sa mga residente na hangga’t maaari ay huwag na munang palabasin ang kanilang mga anak upang maiwasan ang COVID-19 lalo’t hindi pa sila maaaring bakunahan. —sa panulat ni Hya Ludivico