Dalawampu’t dalawa (22) sa 25 nagpositibo sa mas nakahahawang uri ng COVID-19 o mas kilala bilang UK variant ang nakarekober na mula sa sakit.
Habang isa sa mga ito ang nasawi at dalawa ang nanatili naman bilang aktibong kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, una nang tinukoy ang nasawing pasyente na isang 84 anyos na lalaking nagmula sa La Trinidad, Benguet.
Batay aniya sa ulat ng DOH regional office, walang history ng pagbiyahe at known contact na COVID-19 case ang nasawi.
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na patuloy pa rin nilang inaalam kung saan posibleng nahawa ang nasawing pasyente at sitwasyon nito lalu na’t nagpositibo rin sa uk variant ang isang 15 anyos na babaeng kamag-anak nito.