Patay ang 22 katao habang 40 indibidwal naman ang nawawala matapos malubog sa baha ang Tennessee, USA.
Ilan sa mga nasawi ay mga bata, kabilang ang kambal na pitong buwang gulang.
Ayon kay Grey Collier, Public Information Officer ng Humphreys County Emergency Management, daan-daang mga bahay ang napinsala at maging ang mga daanan, cellphone towers at telephone lines.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si US President Joe Biden sa mga biktima at tiniyak na magbibigay ng tulong na kanilang kakailanganin.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico