Isinailalim sa 10-day lockdown ng local government ng ilagan, Isabela ang 22 barangay nito dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Ilagan, Isabela LGU, sinimulan nilang ipatupad ang lockdown noong holy thursday at magtatagal hanggang sa April 10.
Sa loob ng mga araw na ito, magsasagawa umano ng disinfection at contact tracing ang lokal na pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa kanilang lugar.
Nagpatupad ng stricter protocol measures ang naturang LGU sa mga barangay na ito kasunod ng ulat ng OCTA research team na kabilang ang Isabela sa 10 rehiyon at probinsya na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng buwan ng Abril.
Ipinatutupad narin ngayon sa Ilagan, Isabela, ang liquor ban at curfew simula alas-otso ng gabi hanggang ala-singko ng umaga.
Samantala, pinayagan namang magbukas ang ilagan public market, ngunit tanging 200 katao lamang ang maaaring makapasok at makapamili ng kanilang mga kinakailangan.