Patay ang 22 minero sa pagguho ng isang minahan sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa mga opisyal ng bansa, artisinal mining ang pamamaraang ginagawa ng mga biktima sa Kampene.
Ang aritisinal mining ay itinuturing na isa sa pinakadelikadong paraan ng pagmimina.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad para mahanap ang iba pang nawawala.
Matatandaang higit 30 minero ang namatay sa pagguho rin ng isang minahan sa Kolwezi noong buwan ng Hunyo.