Pinakakasuhan na ng murder ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 22 opisyal, pulis at doktor Ng National Capital Region Police Office.
Ito ay matapos umanong makipagsabwatan ang mga ito sa pagkamatay ng walong inmate.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, posibleng hindi namatay sa COVID-19 ang mga bilanggo dahil sa sari-saring iregularidad.
Ginamit lang umano ng mga ito ang COVID-19 pandemic para takpan ang pagpaslang sa kanila.
Hindi rin aniya nagtutugma ang mga salaysay ng mga pulis tungkol sa pagkakahawa umano sa COVID-19 ng mga inmate, kumpara sa salaysay ng mga testigo, records, at cctv footage na nakuha mula sa Bureau of Corrections (BUCOR).
Sa ngayon, isinampa na ng NBI Death Investigation Division ang reklamo sa Department of Justice kung saan pag-aaralan ito ng piskalya.