22% o isa sa kada limang Pilipino ang kuntento sa pagtugon ng pamahalaan sa climate change.
Batay ito sa resulta ng survey ng Harvard Humanitarian Initiative, kung saan lumabas din sa survey na 53% ang hindi sigurado sa hakbang ng pamahalaan sa nasabing isyu.
Aabot naman sa 85% ng mga Pilipino ang naniniwalang totoo ang climate change, at 46% naman ang nangangambang maaapektuhan sila nito sa susunod na limang taon.
Napag-alaman din sa nasabing survey na anim sa kada sampung Pinoy ang walang ginagawang hakbang laban sa posibleng epekto ng climate change.
Nakolekta ang mga datos mula sa mahigit 4,000 Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.