Aabot sa 22 pampublikong paaralan ang lubhang nasira sa halos limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Department of Education o DepEd Undersecretary Alain del Pascua, karamihan sa mga paaralan na ito ay tinamaan ng bomba at nasa mismong main battle area.
Dahil dito, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na nangangailangan ng apat na bilyong piso ang kanilang ahensya para sa pagsasaayos ng mga paaralang nasira batay na rin sa ginawang assessment ng kanilang mga kawani.
Sa ngayon, nasa halos 30,000 mag-aaral na ang nailipat sa iba’t ibang paaralan dahil sa kaguluhan.
—-