Patay ang 22 katao habang mahigit 50 naman ang sugatan matapos ang landslide na naganap sa Central Venezuela.
Natabunan ng putik at debris ang ilang mga kabahayan at mga establisyemento at nagtumbahan ang mga puno sa mga kalsada bunsod ng matinding pag-ulan.
Sinabi ni Interior at Justice Minister Remigio Ceballos Ichaso na libo-libong katao ang nagsanib-pwersa para sa ikinasang rescue efforts.
Nabatid na ang nangyaring landslide bunsod ng matinding pag-ulan, na nagdulot din ng pag-apaw ng ilog, ang pinakamalalang pag-ulan ngayong taon sa Venezuela.