Umabot sa 22 volcanic earthquakes ang na-monitor sa Bulusan volcano sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa June 24 bulletin ng PHIVOLCS, mas mababa ito sa 65 pagyanig na naitala sa nakalipas na monitoring period.
Nasa 751 tonelada ng sulfur dioxide ang naitala nitong June 23 habang umabot naman ng hanggang 400 metro ang taas ng plume mula sa crater ng Bulusan volcano.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang alert level 1 o low-level unrest sa bulkang Bulusan.