Namataan ng mga awtoridad ang 220 na mga Chinese maritime militia vessels sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa inilabas na report ng Philippine Coast Guard (PCG) na ipinadala ng National Task Force for the West Philippine Sea ang daan-daang Chinese militia vessels na naka-angkla Julian Felipe reef noong Marso 7.
Mababatid na ang naturang reef ay sakop ng EEZ o exclusive economic zone ng bansa.
Kasunod nito, tinayak ng Task Force na nakatuon sa seguridad ng West Philippine Sea na kanilang poprotektahan ang teritoryo ng bansa laban sa mga manlulupig o mananakop.