Umabot na sa 22,000 katao ang nawawala dahil sa Boko Haram insurgency sa Northeast Nigeria.
Ito ay batay sa tala ng Red Cross kung saan lumabas na nasa 60% ng nabanggit na kabuuang bilang ng nawawala ay mga bata simula nang sumiklab ang kaguluhan noong 2009.
Sa tagal din ng panahon, wala pa ring ideya ang kanilang mga magulang kung buhay pa o hindi na ang kanilang mga anak.
Samantala, mahigit 27 katao naman ang naitalang nasawi sa naturang kaguluhan.