Plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng 22,000 metriko tonelada ng sibuyas.
Ito ay upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong pang-agrikultura sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Deputy spokesperson Rex Estoperez, dapat dumating ang 22,000 metric tons bago ang peak harvest na magsisimula sa Marso.
Dapat anya dumating ang mga aangkating sibuyas sa unang linggo ng Pebrero o huling linggo ng Enero upang mapababa ang presyo nito.
Samantala, aminado si Estoperez na bumagsak ang DA sa supply chain ng sibuyas sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla