Suspendido ang klase at opisina ng UST o University of Santo Tomas ngayong araw na ito.
Ito ay bilang pag-obserba sa Day of Mourning and Prayer para sa mga biktima ng walang kabuluhang pagpatay.
Ang advisory mula sa Office of the Secretary General ng UST ay kasunod nang pagkamatay dahil sa hinihinalang hazing ni Freshman Law student Horacio Castillo III.
Una nang tiniyak ng pamunuan ng UST ang malalimang imbestigasyon sa nasabing krimen kasunod ang pagsusumite sa MPD o Manila Police District ng pangalan ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na umano’y nasa likod nang pagpatay kay Castillo.
—-