Umabot na sa halos 22,000 persons deprived of liberty o mga bilanggo mula sa 470 jail facilities sa iba’t-ibang panig ng bansa ang napalaya sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kabilang dito ang mga matatanda, buntis at may sakit.
Napalaya anya ang mga ito sa pamamagitan ng paralegal releases tulad ng pagpi piyansa, plea bargaining, parol o probation.
Samantala, may mga nakalaya rin anya matapos mapawalang sala o nakapag served na ng sentence.
Sinabi ni Año na isang patunay ito na hindi nakakaligtaan ng pamahalaan ang kapakanan at kabutihan ng mga kababayan nating nakapiit sa mga kulungan lalo ang mga matatanda, buntis at may sakit.