Natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Sison, Pangasinan isang araw matapos mawala ang anak ng isang Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Police Major Katelyne May Awingan, PIO Pangasinan-PPO, posibleng ginahasa ng mga salarin ang 23-anyos na dalaga kung saan, napilitang umuwi ng Pilipinas ang ina ng biktima matapos malaman ang sinapit ng kaniyang anak.
Humihingi ngayon ng hustisya ang Ina ng biktima at nananalangin na sanay ma-konsensya at sumuko ang gumawa ng karumaldumal sa kaniyang anak.
Sa ngayon, planong isailalim sa autopsy ang biktima habang hinihintay nalang ang persons of interest at testimonya sa ginawang imbestigasyon kaugnay sa naganap na krimen. —sa panulat ni Angelica Doctolero