Bunga ng malalakas na alon at masamang panahong dala ng hanging Habagat, nasa 23 bahay ang napinsala sa tabing-dagat ng Tanza, Cavite.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang 700 indibidwal o katumbas ng 200 pamilya ang inilikas dulot ng pagbaha at malalakas na alon.
Kabilang sa mga apektado ay ang mga bahay sa tabi ng dagat sa Capipisa, Calibuyo at Barangay Amaya 5.
Naglunsad na umano ng malawakang COVID-19 testing sa mga evacuation centers matapos mabatid na ilan sa mga bakwit ay may iniindang sakit tulad ng ubo at lagnat.