Pinag-aaralan ng Department of Health ang nasa 23 bakuna para sa dengue kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na dinadapuan sa buong bansa.
Sinabi ni Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakunang ito ay nasa emergency medicine list ng WHO kung saan pinag-aaralan pa ito ng maigi para magkaroon ng rekomendasyon sa Presidente.
Hindi naman binanggit ni Vergeire kung kasama rito ang kontrobersyal na dengvaxia vaccine na isinulong ng ilang health sector.
Una nang sinabi ni Vergeire na isa sa ikinokonsidera nila ang dengvaxia, ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral .—mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)