Kinasuhan na sa Department of Justice (DOJ) ang 23 barangay officials na di umano’y nakagawa ng katiwalian sa pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG secretary Eduaro Año, ang mga kasong isinampa ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Bayanihan to Heal as One Act.
Madadagdagan pa anya ito ng apat pang akusado sa mga susunod na araw.
Samantala, bumubuo pa anya ng kaso at nangangalap ng mga ebidensya ang PNP CIDG laban sa may 110 pang barangay officials.
Sinabi ni anya na karamihan sa mga natanggap nilang reports hinggil sa mga anomalya sa cash distribution ay kinasasangkutan ng barangay captains, mga kagawad, barangay treasurers, barangay secretaries, barangay employees, puro leaders at ilang social workers.