Patay ang tinatayang 23 katao matapos ang naganap na missile attack sa dalawang ospital sa Syria.
Unang naganap ang pagbomba sa Azaz malapit sa Turkish border kung saan 14 ang patay.
Naganap naman ang pangalawang pag-atake sa Medecins Sans Frontieres kung saan 7 katao ang patay at 8 ang kasalukuyang pinaghahanap.
Ang nasabing atake ay naganap ilang araw matapos na mapagkasunduan ng Russia at ibang bansa na bawasan ang kanilang airstrike.
Sa mahigit na limang taon na pag atake sa Syria ay umaabot na sa mahigit na 250,000 na ang namatay habang mayroong 11 million na katao ang nawalan ng tirahan.
By Mariboy Ysibido
*Photo Credit: AFP