Sumampa na sa 23 ang patay dahil sa bagyong Maring.
Ayon sa NDRRMC , 40 ang sinasabing nasawi sa landslides at flash floods sa Northern Luzon at Visayas subalit 17 rito ay vina-validate pa.
Ang mga nasawi ay mula sa Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Cagayan, Palawan at Benguet.
Nasa mahigit P2 bilyon ang danyos ng bagyong Maring sa agrikultura samantalang ang nasirang imprastruktura ay nagkakahalaga ng P1.056 bilyon.
Naibalik na rin ang supply ng kuryente sa 117 mula sa 137 na lungsod at munisipalidad na nakaranas ng brownout dahil sa hagupit ng bagyong Maring.