Isinailalim sa lockdown ang 23 lugar sa iba’t ibang barangay sa Baguio City dahil sa clsutering ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Baguio City Public Information Office, umiiral ang hard lockdown sa Purok 7 sa City Camp Central at sa Purok 7, Malaya sa Dominican Hill.
Lockdown naman ang ipinatutupad sa 21 pang barangay sa lungsod tulad ng Purok 3 sa Barangay Ambiong, Interior B, Balacbac sa Sto. Tomas Proper, Yang Subdivision at Purok 5 sa Bakakeng Central, Purok Greenhills Purok, Divisoria, Purok Tondo, Purok Ayala A at Purok Ayala B sa Sto Niño-Slaughter at Sadjo, Purok Bubon sa Loakan Proper.
Kahapon, ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasara ng buong Rillera Bldg. at buong Vanilla Alley sa Baguio City Public Market hanggang ika-9 ng Oktubre para isagawa ang disinfection at contact tracing.