Patay sa airstrike ang 23 Kurdish militants sa pagitan ng Turkey at Iraq.
Ayon sa Turkish Defense Ministry, nagpalipad sila ng warplanes kung saan, 2019 pa nang simulan itong gawin ng mga militar para mapigilan ang anumang mga pag-atake sa cross border ng Turkey.
Nabatid na taong 1984 nang maglunsad din ng insurgency o pag-aalsa ang Kurdistan Workers Party (PKK) members kung saan, 40,000 ang nasawi sa kaguluhan kabilang na ang isang Turkish special forces officer.
Ayon kay Turkish Defense Minister Hulusi Akar, ang PKK ay itinuturing na isang teroristang grupo ng Turkey, Estados Unidos at European Union dahil sa pagsasagawa ng mga kaguluhan at mga pag-atake sa ibat-ibang mga bansa.