Pumapalo na sa mahigit 23 million ang mga nag-enroll sa public at private schools para sa pasukan ngayong taon.
Ipinabatid ito ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Sinabi ni Malaluan na inaasahan pa nilang dadami pa ang mag-e-enroll ngayong pasukan.
Nasa 380,000 naman aniya ng mga estudyante mula sa private schools ang lumipat sa public schools dahil nawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang.
Ayon kay Malaluan, 33% ng mga paaralan ay nakapag-print na ng 50% ng self learning modules na pang unang quarter.
Sa pagtaya ng DepEd nasa 4 na milyon ang posibleng out of school youth ngayong school year. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)