Nagdiwang ng Pasko sa Baluarte Elementary School sa Molo district, Iloilo City ang 23 pamilya matapos masunog ang isang residential area sa lugar.
Ayon kay Teresa Gelogo, head ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sumiklab ang sunog sa Zone 6-B, Barangay Boulevard at nagmula sa tahanan ng isang Freddie Portillo kung saan 14 na bahay ang nilamon ng apoy.
Bagama’t walang nasaktan sa insidente, ayon sa Bureau of Fire Protection – Iloilo City, halos kalahating milyong piso naman ang kabuuang pinsala ng sunog.
Hanggang P10k naman ang ibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan sa bawat pamilyang apektado ng naturang sunog.