Hindi bababa sa 23 ang nasawi matapos na atakehin ng Syrian government ang isang lugar sa Damascus na hawak ng mga rebelde.
Ayon sa UK-based Syrian Observatory for Human Rights, ilang mga bayan sa Eastern Ghouta ang tinamaan ng airstrikes and artillery fire mula sa gobyerno ng Syria kung saan sinasabing ilan sa mga nasawi ay mga bata.
Dagdag ng grupo, tinatayang nasa mahigit 120 na ang kabuuang bilang ng mga nasasawi kasunod ng pinaigting na opensiba ng Syrian Army, dalawang linggo na ang nakakaraan.
Batay din sa ulat ng United Nations, nagkakaroon na ng kakulangan sa suplay ng mga pagkain at madami na rin ang nasawi dahil sa sobrang kagutuman.
—-