Patay sa naganap na bakbakan ang nasa 23 indibidwal sa Eastern Columbia.
Ayon sa Defense Minister ng Columbia, kinailangang lumikas ng 20 pamilya sa lugar dahil sa tumitinding hidwaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at militar sa silangang estado ng Arauca sa nabanggit na bansa.
Inaalam pa ng gobyerno ang kabuuang bilang ng mga naapektuhang pamilya matapos ang bakbakan.
Nabatid na hirap ngayon ang Columbian Government na kontrolin ang karahasan sa bansa kung saan laganap din ang iligal na droga at iba pang kontrabando, coca field, iligal na pagmimina at iba pa. —sa panulat ni Angelica Doctolero