Umabot na sa 9,754 ang bilang ng mga Pilipino sa labas ng bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) matapos makapagtala ng 39 na bagong kumpirmadong impeksiyon ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t nananatili sa 708 ang death toll sa hanay ng mga Pinoy abroad.
Samantala, umakyat na 5,783 ang mga gumaling sa sakit kasama ang 23 na bagong recoveries na kasama ay mula sa Amerika, Gitnang Silangan at Africa.