23 nang mga Filipino sa Dubai ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Philippine Consul General Paul Raymund Cortes sa kanyang pagharap sa laging handa press brieifing.
Ayon kay Cortes, wala pa silang hawak ng eksaktong bilang ng mga Filipino sa Dubai na nahawaan ng COVID-19 maging ng datos ng mga gumaling na.
Gayunman, tiniyak ni Cortes na mahigpit nilang minomonitor ang sitwasyon at kalagayan ng mga Filipino sa Dubai.
Dagdag ni Cortes, nakapag-abot na run aniya sila ng tulong pinansiyal sa mga Pilipinong manggagawa roon na nawalan ng kita kasunod ng pagpapatupad ng paghihigpit ng Dubai dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ngayon aniya ay unti -unti na ring bumabalik sa normal ang sitwasyon doon.
Samantak sinabi ni Cortes na umaabot na sa isang kibo kjmang daang mga Filipino sa Dubai ang humingi na ng tulong para mairepatriate at makabalik ng Pilipinas.