Pinalalayas na ng Britain government ang nasa dalawampu’t tatlong Russian diplomats sa kanilang bansa.
Kasunod ito ng nangyaring chemical attack sa isang dating Russian spy agent at anak nito sa England na direktang itinuro ni UK Prime Minister Theresa May na kagagawan ni President Vladimir Putin.
Bukod dito, inanunsyo rin ni May ang posibleng pag-freeze sa mga ari-arian ng mga nasabing Russian diplomats, pagsuspendi sa mga bilateral talks, pagpapasa ng batas laban sa mga kaguluhan sa kanilang bansa at hindi na pagdalo ng kanilang soccer team sa World Cup sa Russia.
Ito na ang pinakamalalang tensyon sa pagitan ng Great Britain at Russia sa loob ng tatlumpong taon matapos ang cold war.
—-