Mayroon nang naitalang 23 sunog na may kaugnayan sa paputok ang Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay BFP Deputy Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo, ito ay mas mababa kumpara sa mahigit sa 60 kasong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.
Sa kabila nito, hinimok ni manalo ang publiko na mag – ingat sa pagpapaputok at tiyaking hindi lalagpas sa kalahating gramo ang laman ng pulbura ng bibilhing paputok.
Batay sa tala ng BFP, karaniwang nasa edad 10 hanggang 15 taong gulang at mga lasing ang nabibiktima dahil sa maling paraan ng pagpapaputok.
Bahagi ng pahayag ni BFP Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo
Total ban on firecrackers
Umaasa si BFP Deputy Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo na maipapatupad na sa susunod na taon ang total ban sa firecrackers.
Ayon kay Manalo, ito ay upang tuluyan nang mawala ang kaso ng mga nasusunugan at naaaksidente dahil sa paputok.
Sa kabila nito, sinabi ni Manalo na bagamat hindi pa nalalagdaan ang total ban sa mga paputok ay bumaba na ang bentahan nito.
Bahagi ng pahayag ni BFP Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo
‘Iwas-paputok’
Nakiusap din si Manalo sa publiko na huwag nang magpaputok o kung hindi man ay sa itinalagang firecracker zone nalang magpaputok.
Ayon kay Manalo, ito ay dahil lubhang mapanganib ang pagpapaputok lalo na kung naka-inom na o marami nang pinagkakaabalahan.
Pinaalalahanan din ni Manalo ang mga aalis ng kanilang tahanan na bunutin sa saksakan ang lahat ng kanilang kagamitan at patayin ang main switch upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Bahagi ng pahayag ni BFP Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo
By Katrina Valle | Ratsada Balita