Mahigit 230 Pilipino sa ilang Caribbean Islands na hinagupit ng Hurricane Irma ang nakatakdang i-repatriate sa susunod na linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, karamihan sa mga apektadong Pinoy ay mula sa British Virgin Islands habang ang ilan ay nagmula sa mga isla ng Anguilla at St. Martin.
Magpapadala aniya ang gobyerno ng Pilipinas ng chartered aircraft na mag-uuwi sa mga Filipino sa Lunes.
Samantala, namahagi na rin ng food vouchers at relief items sa Filipino Communities sa Tortola at St. Thomas sa US Virgin Islands na kabilang din sa mga naapektuhan ng malakas na bagyo.
SMW: RPE