Tinatayang 230 milyong Pisong halaga ng illegal drugs ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zamboanga City.
Kabilang sa mga sinunog ang daan-daang sachet ng shabu, marijuana at iba pang illegal substances gamit ang thermal facility ng isang sardines factory sa barangay Ayala.
Ayon kay PDEA-Zamboanga Regional Director Lyndon Aspacio, karamihan sa mga nakumpiskang droga ay nagmula sa Zamboanga City habang ang iba ay mula sa Siasi, Sulu at mga karatig lalawigan.
Tiniyak naman ni Aspacio as publiko na hindi peligroso sa kalusugan ang paraan ng kanilang pagsira sa mga iligal na droga.