Aabot sa mahigit 2,300 personnel ang ipapakalat ng Metropolitan Manila Development Authoritry (MMDA) sa National Capital Region (NCR) ngayong paparating na Undas.
Ito’y para mapanatili ang kaayusan ng trapiko sa Metro Manila sa inaasahang pagdagsa ng mga taong bibisita sa mga sementeryo ngayong araw ng mga patay.
Ayon kay MMDA chairman Dalino Lim, ikakalat sa mga key areas sa Metro Manila ang libo-libong tauhang i-dedeploy mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4.
Ikakalat din ng MMDA ang mga traffic discipline office sa mga matataong lugar, bus terminals, at iba pang mga terminal ng mga public utility vehicle (PUV).
Bukod dito ay magtatayo rin ang MMDA ng mga public assistance centers sa mga pangunahing sementeryo sa Maynila.