Aabot sa dalawampu’t tatlong libong (23,000) pulis ang ipapakalat bilang bahagi ng seguridad sa 31st Association of Southeast Asian Nations Summit na gaganapin sa Nobyembre.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, may augmentation ang Pambansang Pulisya na manggagaling sa mula sa Regions 3, 4 at 5 at maging sa national headquarters.
Binigyang diin ni Albayalde na matindi ang ginagawa nilang paghahanda para sa seguridad ng mga darating na world leaders sa ASEAN Summit kabilang si US President Donald Trump.
Samantala, inirekomenda na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa pamahalaan na gawing non-working holidays ang November 13 hanggang 15 upang maibsan ang traffic situation sa Metro Manila.
—-