Wala pa ring supply ng kuryente sa 232 lugar sa Southern Leyte, tatlong buwan matapos hagupitin ng bagyong Odette.
Ayon sa Southern Leyte Electric Cooperative (SOLECO), hanggang noong Lunes, March 14, nasa 268 pa lamang mula sa 500 barangay sa lalawigan ang mayroong kuryente.
Nasa 66,000 bahay at establisyimento naman ang may kuryente na mula sa mahigit 105,000 apektadong consumer.
Sa ngayon, hindi pa rin naibabalik ang power supply sa 23 barangay sa bayan ng pintuyan at 15 barangay sa bayan ng San Ricardo.
Bahagya na ring naibalik ang kuryente sa Maasin City, mga bayan ng Macrohon, Padre Burgos, Tomas Oppus, Bontoc, Sogod, Liloan, Saint Bernard, Hinunangan, Malitbog, Libagon, Anahawan, Hinundayan at Limasawa.
Samantala, inaasahan namang maibabalik na nang tuluyan ng SOLECO ang power supply sa lahat ng bayan sa katapusan ng buwan.