Halos 150,000 katao na ang lumikas mula sa isla ng Bali sa Indonewsia dahil sa pangambang pagsambulat anumang oras ng Mount Agung.
Una nang lumikas ang mga apektadong residente noong Setyembre 22 nang itaas sa alert level 4 ang lugar matapos ang volcanic earthquakes at nang mamuo ang magma sa paligid nito.
Nagpalabas ang mga otoridad ng advisory kaugnay sa exclusion zone mula siyam (9) hanggang labing dalawang (12) kilometro mula sa bunganga ng bulkan.
Ipinabatid ng mga otoridad na posibleng sumabog na ang nasabing bulkan dahil patuloy pa rin ang volcanic activity nito, isang linggo na ang nakalilipas.
Dahil dito, lumalaki na din ang pangamba ng mga opisyal ng Bali sa epekto sa turismo ng posibleng pagsabog ng Mount Agung dahil maraming turista na umano ang nagkansela ng kanilang flight patungo sa naturang lugar.
1963 nang huling sumabog ang nasabing bulkan na ikinasawi ng mahigit 1,000 katao.