Sumampa na sa 6,315 pamilya o katumbas ng 23, 702 indibiduwal ang apektado ng bagyong kiko sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Gitnang Luzon at Cordillera.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nasa 508 na pamilya o katumbas ng 1,789 na indibiduwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 62 evacuation centers.
Nasa 11 kalsada ang hindi madaanan habang nananatiling stranded sa mga pantalan ang may 93 pasahero sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Soccsksargen at Cordillera.
Batay sa pinakahuling datos ng Pagasa, tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiko kahapon.
Nabalitaan po natin doon mismo sa mga kasama natin doon sa ground sa Batanes, nung dumaan po ‘yong mata ng bagyo, marami pong mga nilipad na bubong, nagtumbahang mga poste at tsaka puno kaya may ilang taoyng mga kababayan na na-injured because of that but so far wala pa po tayong official na report patungkol po dito as well as casualty.
Ang tinig ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal sa panayam ng DWIZ…