Plano ng militar na syang namumuno ngayon sa Myanmar na pakawalan ang nasa 23,000 nilang mga prisoners.
Taon-taon nagkakaloob ang myanmar ng amnesty sa libo-libong bilanggo sa kanilang bansa kasabay ng kanilang tradisyunal na Buddhist new year holiday.
Kungsaan kabilang ito sa mga ipinagdiriwang nila kasabay ng city-wide water fights.
Ngunit ngayong taon, na ang militar na ang nasa kapangyarihan matapos patalsikin ng anti-coup activists ang kanilang civilian leader na si Aung San Suu Kyi gugunitain nila ang holiday na ito sa pamamagitan ng mga kilos protesta kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawi at inaaresto dahil sa mga demonstrasyon.
Hindi naman malinaw kung kasama sa mga palalayain ang mga anti-junta protesters o mga journalist na ikinulong dahil sa pagcover ng mga nangyaring anti-governtment rally doon.