Nakatakdang i-deploy ang nasa 23 libong pulis sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ide-deploy ang kapulisan sa paligid ng mga paaralan at sa mga assistance desk.
Aniya, kung may mga security concern ang mga magulang at estudyante madali silang makakalapit sa mga nakadeploy na mga pulis.
Dagdag pa niya, Hulyo palang ngayong taon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga school administrators at mga ahensya ng gobyerno.
Samantala, ani Fajardo na maliban sa mga paaralan ay inaasahan na rin ang pagdagsa ng mga tao sa mga transport hubs at terminals kaugnay sa pagpapatupad ng full face-to-face set up sa mga paaralan. – sa panulat ni Hannah Oledan