Pumalo na sa 7,758 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang maitala ang 24 na panibagong kaso ng virus.
45 naman ang bilang ng mga pulis na karagdagang nakarekober sa COVID-19, kaya’t sumirit na ito sa kabuuang 7,758.
Lumobo naman sa 25 ang bilang ng mga nasawing pulis, makaraang madagdagan ng isang panibagong pulis na nasawi sa COVID-19.