Ipinasara ng Archdiocese ng San Fernando ang nasa dalawampu’t apat (24) na mga heritage churches sa lalawigan ng Pampanga.
Ito ay upang magbigay-daan sa isasagawang inspeksyon ng mga eksperto sa mga nasabing simbahan para matiyak na manatiling matibay ang mga ito matapos ang pagtama ng magnitude 6. 1 na lindol noong Lunes.
Alinsunod na rin anila ito sa rekomendasyon ng Archdiocesan Commission on Church Heritage Secretariat.
Kabilang sa mga pansamantalang ipinasara ay ang Holy Rosary Church at Sister Maria Garcia of the Apu Mamacalulu Shrine sa Angeles, San Agustin Church sa Lubao, Sta. Lucia sa Sasmuan at Immaculada Concepcion sa Guagua.
Gayundin ang Sta. Catalina de Alejandria Church sa Porac na matinding napuruhan at napinsala ng lindol.
Kasunod nito, pansamantala munang isinasagawa ang misa at iba pang seremoniya ng simbahan sa ibang lugar na may mga matibay na istraktura.