Naibalik na ng Manila Water ang 100% 24-hour water availability ng kanilang serbisyo sa East zone ng Metro Manila.
Batay sa anunsyo ng Manila Water, mayroon nang 7 pounds per square inch (psi) of pressure ang tubig na umaabot hanggang sa ground floor.
Gayunman sinabi ng water concessionaire na hindi pa rin dapat magpakakampante ang kanilang mga customer dahil hindi pa rin naabot ng Angat dam ang normal water level nito na 210 hanggang 212 meter level.
Dahil dito, pinayuhan ng Manila Water ang kanilang customers na manatiling magtipid ng tubig.
Batay sa pinaka huling pagtaya, nasa 191.43 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam.