Aprubado na ng Philippine Ports Authority ang 24% increase sa cargo handling tariff para sa Manila North Harbour Port Incorporated o MNHPI sa kabila ng protesta ng mga major client.
Pinagtibay ang dagdag taripa ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago sa pamamagitan ng Memorandum Order 4.
Inihayag ni Santiago sa kanyang memorandum na ipatutupad ang increase sa tatlong (3) bahagi.
Ang unang tranche ay 8% mula sa January 2015 tariff rates ng MNHPI ay epektibo ngayong taon habang ang dalawang susunod na tranches ng 8% bawat isa ay ipatutupad simula sa 2018 at 2019.
Gayunman, kinontra ito ni United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo Javellana dahil magreresulta ito sa mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin na papasanin ng mga consumer ang tariff increase.
By Drew Nacino